Isko Pinangunahan nina Department Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang field inspection sa paligid ng Arch ng Globe De Oro St. patungong Quiapo mosque upang pag usapan ang panukalang Halal town sa Quiapo. Kuha ni JonJon Reyes

Yorme Isko, Pangandaman tinalakay rehab ng Quiapo mosque, mas maunlad na Halal Town

Edd Reyes Nov 3, 2025
324 Views

TINALAKAY nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Budget Secretary Amenah Pangandaman ang panukalang paunlarin ang Halal town sa Maynila at rehabilitasyon ng Golden Mosque complex sa Quiapo.

Ayon kay Mayor Domagoso, kailangan pag-aralan ang suggestion bilang paghahanda na rin sa pagiging punong abala ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa susunod na taon.

Nauna rito’y magkakasamang inikot nina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, Secretary Pangandaman at iba pang opisyal ng city hall ang Quiapo kung saan pinuri ng Kalihim ang konsepto ng Halal town na inilatag ng alkalde.

“When I saw your project on TV, the Halal Town and taking care of our Muslim brothers and sisters in Manila, I was so happy and excited. Insha’Allah, we are happy that the UAE government is going to provide us funding para mapaganda yung Golden Mosque Complex,” sabi ni Pangandaman.

Idinagdag ng kalihim na ang inisyatibo ng pagpapanumbalik ng ganda ng mosque ay batay na rin sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos lalu na’t naitayo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang area na kinalalagyan ngayon ng mosque.

Pinasalamatan ng alkalde si Secretary Pangandaman sa tulong na rehabilitasyon ng mahalagang lugar sa Quiapo para sa mga kapatid nating Muslim.

“They said it is a billion-dollar industry… We just need to refine it to make living in Manila better, cleaner, safer, and more peaceful,” sabi pa ni Domagoso.