Isko Kuha ni JONJON C. REYES

Yorme Isko pinagpahalagahan career execs

Edd Reyes Nov 12, 2025
164 Views

BINIGYANG paggpapahalaga ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga career executives sa bansa na nagsisilbing lakas ng bureaukrasya dahil sa kanilang propesyonalismo sa pagpapanatili sa pagganap ng tungkulin sa pamahalaan ng higit pa sa pulitika.

Sa kanyang talumpati sa harap na libo-libong miyembro ng Career Executive Service (CES) na dumalo sa 2025 CES Lifelong Learning for Leadership Congress (CESCON) sa Manila Hotel Miyerkules ng tanghali, kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika 52nd founding anniversary, binigyang diin ni Domagoso na ang pagsisilbi ng mga career officials ay nagpapatatag sa pamahalaan anuman ang pagbabago sa pulitika.

“We politicians come and go, but Career Executive Service Officers can still run the government,” pahayag ng alkalde.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang kaganapan sina Executive Secretary Lucas Bersamin., Career Executive Service Board (CESB) chairperson Dr. Urdujah Gaerlan Alvarado, CESO I, executive director Maria Marcy Cosare-Ballesteros, CESO II, at iba pang opisyal ng CESB.

Binanggit ng alkalde na sa loob ng limang dekada, naipagpatuloy ng CES ang kahusayan at disiplina sa paglilingkod na naging daan upang ituring sila bilang modelo sa bureakrasyang batbat ng pulitika.

Ito pa rin aniya ang prinsipyong gumagabay sa kanyang pagsasagawa ng reporma sa Maynila na nakatuon ngayon sa pagpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa pamamagitan ng transparent governance at masinop na paggamit ng pondo ng lungsod.

“In Manila, we share the belief that public service must always be both effective and ethical. We pursue reforms that restore fiscal discipline and public trust,” sabi pa ng alkalde.

Bilang pagtatapos ng talumpati, pinasalamatan ng alkalde ang CES community sa pagdaraos ng kanilang anibersaryo sa Maynila at hinimok niya ang mga dumalo na bago bumalik sa kani-kanilang mga bayan at lungsod ay bisitahin muna ang magagandang lugar sa lungsod tulad ng mga Distrito ng Intramuros, Binondo, Malate, Tondo, at Sampaloc.