Isko

Yorme Isko: Suporta sa Maynila bumuhos dahil pulitika isinantabi

Edd Reyes Apr 20, 2026
33 Views

Isko1IBINAHAGI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga residente ng lungsod ang mga donasyon mula sa iba’t-ibang sektor, kabilang ang 20 units ng NMAX mula sa First Tondo Complex Association, dalawang neonatal ventilators mula sa The Rotary Club, 4,000 sakong bigas mula kay Batangas Rep. Leandro Leviste, mga gamot mula sa Generika Drugstore at P3M Solid and Wastewater Program mula sa Green Cycle Innovations Inc.

Ayon kay Mayor Isko, ang pagbuhos ng suporta ay bunga ng pagsasantabi niya ng pulitika at pagtutok sa tunay na layunin ng kanyang administrasyon: maglingkod.

”Ang pulitika pinakikinabangan lang ng mga pulitiko; ang mahalaga yung kapakinabangan ng tao. May panahon para doon, sa national, pinakamatagal na ang 90 araw, sa lokal 45 na araw lang tapos na pulitika,” pahayag ni Mayor Isko.

“Kapag iniwas ninyo ang inyong sarili sa pakikihalubilo sa pulitika nang wala pang panahon ng pulitika, mas maraming tao ang gaganahan na makiisa o mag-participate,” dugtong niya.