Calendar
Yorme Isko tiniyak prize freeze, evacuation operations



UMABOT na sa mahigit kumulang 200 pamilya o 450 indibidwal mula sa Brgy 649 sa Port Area Baseco Aplaya, Maynila ang inilikas Linggo ng hapon, Nobyembre 9.
Ito ay bilang bahagi sa paghahanda sa posibleng matinding pananalasa ng Super Typhoon Uwan Linggo ng gabi.
Nagpahatid naman ng paalala si Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa banta ng super bagyo.
Nagpalabas ang alkalde ng kautusan patungkol sa price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Lungsod ng Maynila.
“Ayaw nating may magsamantala lalo na sa panahon ng sakuna.
Inatasan po natin ang Market Administration Office na bantayan ang lahat ng pamilihan na nasa hurisdiksiyon ng Pamahalaang Lungsod upang matiyak na walang lalabag — walang hoarding, walang profiteering, at walang mananamantala sa kapwa,” ani Mayor Isko.
Dagdag ni Yorme Isko na nasa 183 katao na ang inilikas sa Baseco at dinala sa Hermenegildo J. Atienza Elementary School.
Nagpaabot ang alkalde ng pasasalamat sa Manila City DRMM Office “a walang tigil sa pagsundo ng ating mga kababayan papunta sa ating evacuation center, at sa Manila Department of Social Welfare na siyang kumakalinga at nagbibigay ng pagkain sa ating evacuees. Patuloy po tayong naka-monitor at hindi titigil sa pag-rescue ng ating mga kababayan.

