BAM, JV PINANGUNAHAN DEPED BUDGET BRIEFING
Oct 16, 2026
Influencer may kafalfakan ulit
Oct 16, 2026
Parak-PRO 4A tiniklo 169 suspek sa krimen
Oct 16, 2026
Calendar
Kinilala ni Police Lt. Col. Arwen Nacional ang mga drug suspek na natimbog sa Quiapo, Manila.
Metro
11 gramo ng shabu nasamsam sa 2 tulak
Jon-jon Reyes
Nov 9, 2025
537
Views
SWAK sa rehas na bakal ang dalawang lalaki dahil sa dalang 11 gramo ng shabu sa Sigay St. corner Quezon Blvd, Brgy. 394 Quiapo, Manila noong Sabado.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Jomar, 37; at Ima, 56.
Ayon sa kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-11:50 ng gabi nahuli ang dalawa.
Nagpanggap bilang poseur-buyer si PSSg Joseph Paragatos kaya nahuli ang mga suspek.
Dinamba ng mga operatiba ang mga suspek at narekober sa kanilang possession ang tatlo pang sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu at buy-bust money.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at inihahanda na para sa inquest proceedings.
QCPD sinusuri pagnenok ng P3K manok sa Nepa-Q-Mart
Oct 16, 2026
Negosyante nilooban sa Malabon, P.7M natangay
Oct 16, 2026
NLEX-Quirino Ave. connector matatapos na
Oct 15, 2026

