Calendar
Critical thinking, people empowerment importante vs misinfo, disinfo–QC mayor
MAHALAGA ang critical thinking, katotohanan at citizen empowerment sa paglaban sa misinformation at disinformation, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa kanyang talumpati sa Philippine Media and Information Literacy Conference (MILCON 2025) sa SMX Aura, Taguig City, sinabi ng mayor na:
“These days, the most vital skill we can cultivate is how to think—the discipline of asking ‘why’ and ‘what if,’ especially when faced with complex situations.”
Isinagawa ang ni Belmonte pahayag matapos na italaga ang Quezon City na isa sa mga Pilot Media and Information Literacy (MIL) Cities na makikipag-kolaborasyon sa UNESCO.
Ayon kay Belmonte, ang misinformation at disinformation ang mabigat na hamon na kinakaharap ng modernong lipunan, base sa pandaigdigang pag-aaral na itinalang nasa top threat sa social trust at demokrasya.
Sa Pilipinas, mayroong 24 milyon ang nanamatiling functionally illiterate, isang hamon na direktang nakakaapekto sa abilidad nilang maunawaan ang katotohanan sa digital age.
Bilang tugon dito, ginawa ng pamahalaang lungsod bilang pangunahing pillar sa local governance agenda nito.
Naglaan ang lungsod ng P6 bilyon para sa education initiative na siyang tutugon sa pamantayan ng UNESCO para sa education spending.
Kabilang sa education initiative ang pagsasa-ayos sa mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan, pagpapalawig ng mga scholarship programs at pagsuporta sa Quezon City University (QCU), na kung saan mahigit sa kalahati ng mga nagtapos ang mga naunang pamilya na magkaroon ng college degree.
Pinunto rin ni Belmonte ang pamumuhunan ng lungsod sa
digital transparency at accessibility, kabilang na ang official Quezon City Facebook page na mayroon ng mahigit 1.4 million followers.
Mayroon ding text-to-speech at chatbot function ang website ng pamahalaang lungsod upang matiyak ang accessibility para persons with disabilities.
“Our goal is not only to fight misinformation but to empower citizens with the skills and confidence to seek truth, question power, and participate meaningfully in public life,” ani Belmonte.
Bilang isang UNESCO Pilot MIL City, makakasama ang Quezon City sa isang international network ng mga local government na nagpo-promote ng information literacy bilang pundasyon para sa inclusive at sustainable development.
Ang iba pang pilot city ay ang Malabon (Pilipinas), Jambi (Indonesia), Dubrovnik (Croatia), Athens (Greece), Al Rayyan (Qatar), Ramallah (Palestine), Santos and São Gonçalo do Amarante (Brazil), Copán (Honduras), Johannesburg (South Africa) at Abuja (Nigeria).
Napili ang Quezon City bilang isa sa mga pilot cities dahil sa mga inisyatiba nito sa pag promote ng informed citizenship at creative expression.
Kabilang dito ang mga digital literacy workshop, visual storytelling program, heritage and library expansion project at ang Maki+ Fiesta Media Festival, isang selebrasyon ng free expression, democracy at creative innovation.
“Real progress comes when citizens can even call out the stars—and stand tall as stars of their own story,” dagdag pa ng alkalde.

