Calendar
Yorme Isko, VM Atienza nanguna sa inauguration ng bagong gusali ng Aurora A. Quezon Elementary School
PINASINAYAHAN na nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang anim na palapag na gusali ng Aurora A. Quezon Elementary Schoo Lunes ng umaga sa San Andres, Malate, Maynila.
Ang bagong istraktura ng isa sa pinakamatandang pampublikong paaralan sa Maynila ay nakumpleto sa dalawang yugto na ang una ay natapos noong Disyembre 2023 at ang pangalawa ay noong Agosto 2026, bunga na rin ng patuloy ng pamumuhunan ng lokal na pamahalaan sa imprastrakturang pang-edukasyon.
Sinabi ng alkalde na bahagi ng proyekto ang pangako niyang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng mga estudyante sa Maynila sa hinaharap.
“To build today is cheaper. To build today is better, so that the next generation, the next sets of teachers and students, with regard to the ratio, is now universally acceptable, more modern, more beautiful, more decent,” pahayag ni Mayor Isko Moreno.
“Who would have thought na isa sa mga estudyante ninyo ay pwedeng maging mayor ng Maynila? I’m a product of the public education system, full-blooded,” dagdag pa niya.
Bukod sa mga silid aralan, mayroon ding computer room, library, Madrasah room, Alternative Learning System room, faculty rooms, canteen, clinic, at dalawang elevator ang bagong tayong paaralan.
Sinamantala rin ng alkalde ang pagkakataon upang ipabatid sa mga estudyanteng dumalo sa pagpapasinaya ang mga plano niya sa sektor ng edukasyon sa lungsod, tulad ng malapit ng pagtatapos ng itinatayong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila’s (PLM) new Allied Health Sciences building malapit sa Quirino Avenue at Roxas Boulevard, na magpaparami ng mga mag-aaral dito na aabot sa 5,000 mula sa 300.
“The City of Manila will provide it for free,” sabi pa ng alkalde na ang binabanggit ay mga kursong medisina,, nursing, at allied health sciences sa itinatayong pasilidad.
