Calendar
‘Yorme’s Choice’ si Mr. Excitement
MULA noon hanggang ngayon, hindi maikakaila ang popularidad ng dating PBA player na si Paul “Mr. Excitement” Alvarez.
Bagamat matagal ng hindi naglalaro ng basketball, na kung saan una siyang nakilala bilang “Batang Quapo” nung naglalaro pa siya sa University of Manila nina Atty. Ernesto de los Santos at yumaong coach na si Ato Tolentino, at San Sebastian College sa NCAA hanggang maging “Mr. Excitement” sya sa kanyang playing days sa Alaska Milk at Barangay Ginebra sa PBA, natutuwa si Alvarez na madami pa din ang nakakikilala at nagmamahal sa kanya hanggang sa kasalukuyan.
Nakatutuwa ang mainit na pag-tanggap ng mga tao sa nagbabalik sa eksenang si Alvarez, na patuloy ngayon na nag-iikot hindi lamang sa Quiapo, na kung saan una siyang nakilala, kundi pati na din sa ibang lugar sa District 3 ng Manila.
Kasama ni Alvarez sa pagbisita sa iba’t ibang mga lugar ang masipag na dating Manila Mayor Isko Moreno, na hindi maikakailang hinahanap-hanap at minamahal pa din ng taong-bayan, at katulad niyang hard-working public servant na si Che Atienza.
Ayon na din sa mga naunang panayam kay Alvarez, na tinatawag na din ngayong isa sa mga “Yorme’s Choice”, ang masigabong pag-tanggap ng mga tao ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang tumulong sa mga kapwa Manileño.
“Yung mainit na pag-tanggap ng mga tao kay Mayor Isko at sa aming team, mararamdaman mo talaga kahit saan pa kami magpunta. Makikita at madidinig mo talaga yung hiyawan ng mga tao gaya nung PBA days ko,” pahayag ng ngayon ay 56-year-old na si Alvarez.
“At kina Mayor Isko at Che, nandun talaga yung madaming hiling ng mga tao sa kanila para umaksyon sa ikabubuti ng Maynila,” paliwanag pa ni Alvarez, na naging two-time PBA “Comeback Player of the Year” nung 1993 at 1997 at “Mr. Quality Minutes” nung 1997.
Naging four times PBA All Star din siya nung 1989, 1990, 1992 at.1996 bago tuluyang nag-retiro nung 2004 sa Red Bull Barako.
Nag-bida din si Alvarez ng husto para sa Pampanga Dragons (1999), Pasig Pirates (2000), at SOCSARGEN Marlins (2001) sa dating MBA.
Ilang ulit mang dumaan sa mga pagsubok sa buhay — nadapa at muling bumangon — makikita kay Alvarez ang pagsusumikap at pagpupursige na mapaganda ang bukas sa kanyang “Mr. Excitement” way.
Sabi nga ng madaming mga kaibigan at basketball fans ni Alvarez, “The excitement is back.”
* * *
Matagumpay ang naging pagbisita ng Association of Philippine Journalists-Samahang Plaridel Inc., sa pangunguna ni Evelyn Quiroz l, kay Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco sa kanilang bagong office sa METLive sa Pasay City kamakailan.
Tulad ng inaasahan, madaming magagandang pag-uusap ang naganap sa dalawang panig patungkol sa patuloy na gawain ng PAGCOR alinsunod na din sa mga direktiba ni Pangulong Marcos pati na sa role ng media sa tamang pagbabalita sa harap ng patuloy na pagkalat ng mga fake news.
Madaming ipinagmalaki si Tengco sa mga magagandang ginagawa ngayon ng PAGCOR sa kabila ng madaming pagsubok, tulad ng mga mainit na usapin sa POGO.
Ipinagmalaki din ni Tengco ang patuloy na kontribusyon ng PAGCOR sa sports development, partikular sa pagbibigay ng insentibo sa mga athletang Plipino na lumahok sa dalawang major competitions: Paris Olympics at Paris Paralympics.
Gayundin, ipinagmalaki ni Tengco ang pagkakaroon ng PAGCOR ng iisang central office sa Pasay, kumpara sa nakalipas na mga taon na hiwa-hiwalay ang kanilang mga opisina.
Sa bahagi ng Samahang Plaridel inanyayahan nila si Tengco na dumalo sa darating na 8th Plaridel Golf 2024 championship sa Villamor Golf Club sa Nov. 26.
NOTES — Happy 13th birthday kay Carlisle Jaz Eriq Manese, na magdiriwang ngayong September 22.
Para sa mga kumento at suhestiyon, mag-email sa [email protected]