Philipines sports writer

Yumaong Journal sports ed pararangalan ng PSA

Robert Andaya Mar 3, 2023
384 Views

BIBIGYAN ng kaukulang pagkilala ang mga beteranong sports editors sa gaganaping San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa Diamond Hotel sa Marso 6.

Bibigyan ng Lifetime Award sa Sports Journalism ang mga dating editors na sina Recah Trinidad, Ding Marcelo, Jun Engracia, Al. S Mendoza, Eddie Alinea at Percy Della.

Bibigyan naman ng PSA special awards ang mga namayapang sports editors na sina Joe S. Antonio ng People’s Journal at Ernie Gonzales ng Philippine Inquirer.

Ang naturang awards night ng PSA, na itinuturing na pinakamatandang media organization sa buong bansa, ay itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Cignal TV kasama ang Philippine Olympic Committee, Mayor

Abraham ‘Bambol’ Tolentino, MILO, Smart, MVP Sports Foundation, Rain or Shine, 1Pacman Rep. Mikee Romero, Philippine Basketball Association, OKBet, ICTSI, and the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)

Si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang mangunguna sa mahabang listahan ng mga natatanging atleta para sa nakalipas na taon na pararangalan ng PSA.

Kasama ni Diaz na pararangalan ang Samahang Weightlifting Association (SWP), sa pamumuno ni Monico Puentevella.

Bibigyan din ng parangal sina gymnatics champion Caloy Yulo, pole vault hero EJ Obiena at ang Philippine women’s football team.

Makakasama nila sina boxer Carlo Paalam, jui-jitsu bets Meggie Ochoa at Kimberly Anne Custodio, karateka Junna Tsukii, pool players Rubilen Amit, Carlo Biado, at Johann Chua, weightlifter Vanessa Sarno, ang volleyball duo nina Jovelyn Gonzaga at Sisi Rondina, Esports organization Blacklist International, jockey Jessie Guca, at champion horse Boss Emong.

Ang tennis champion na si Alex Eala, ay tatanggap ng President’s Award; ang namayapang sprint queen Lydia De Vega, ay iluluklok sa PSA Hall of Fame, ang long jump queen Elma Muros-Posadas ay gagawaran ng Lifetime

Achievement award; at si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ay nahirang bilang Executive of the Year.