PRC

Zamboanga City dagdag sa testing center ng PRC

220 Views

IDINAGDAG ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Zamboanga City sa listahan ng mga testing center nito para sa Librarian Licensure Examination (LLE) na gaganapin sa Setyembre 2022.

Ginawa umano ito ng PRC upang mas maging madali para sa ilang examinee ang pagkuha ng LLE.

“This is to enable the examinees to take the September 2022 LLE without unnecessary distant travel and additional expenses,” sabi ng PRC sa inilabas na advisory.

Ang iba pang testing center ay matatagpuan sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Rosales, Tacloban, at Tuguegarao.

Noong Agosto 12 nagtapos ang aplikasyon para sa isasagawang LLE.

Ang pagsusulit ay isasagawa sa Setyembre 12 at 13. Ang resulta nito ay ilalabas makalipas ang tatlong araw.

“For queries and concerns, please email the licensure division and PRC Pagadian,” dagdag pa ng PRC.