Hospital

Zero-billing inisyatibo ni PBBM pinuri ni Speaker Romualdez

82 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang “zero billing” initiative ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na pasyente.

Ayon kay Speaker Romualdez ang “zero-billing” initiative ay isang makasaysayang healthcare program kung saan magbibigay ng libreng serbisyong medikal ang 22 pampublikong ospital sa bansa.

Kasabay ng ika-67 kaarawan ng Pangulo noong Setyembre 13, inilunsad ang inisyatiba na itinuturing na isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino, ayon sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“The zero-billing program is a clear demonstration of the President’s unwavering commitment to the Filipino people, ensuring that no one is left behind in receiving the medical care they need,” ayon kay Speaker Romualdez.

“By covering all inpatient, outpatient, and emergency services in 22 public hospitals across the country, the President is turning his vision of universal healthcare into reality,” dagdag pa niya.

Sa direktiba ng Pangulo, naglaan ang Department of Health (DOH) ng P328 milyon para pondohan ang zero-billing initiative, na sumasaklaw hindi lamang sa mga bayarin sa ospital kundi maging sa mga gamot at iba pang mahahalagang serbisyong medikal tulad ng chemotherapy, dialysis, dental na serbisyo, at mga laboratory procedure.

Ang programang ito ay una na ring naipatupad sa mga malalaking hospital, kabilang na sa National Capital Region, (NCR), Luzon, Visayas, at Mindanao.

Binigyan diin ni Speaker Romualdez ang napakalaking epekto ng inisyatibang ito sa buhay ng mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap o bulnerableng komunidad, dahil binabawasan nito ang malaking gastusin sa serbisyong medikal.

“Whether it’s dialysis, chemotherapy, or emergency treatment, the government is stepping up to provide real, tangible relief to our people,” saad pa nito.

Kasama sa zero-billing program ang walong pangunahing ospital sa NCR, tulad ng National Kidney and Transplant Institute at Philippine General Hospital, pati na rin ang 14 na iba pang ospital na matatagpuan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“This extensive coverage shows the administration’s genuine concern for the health and welfare of Filipinos in every region of the country,” ayon kay Speaker Romualdez.

“This is the kind of leadership we need—decisive action that directly benefits the people. I stand firmly with President Marcos in this endeavor and pledge my full support in ensuring healthcare remains a top priority for our government,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Binigyang-diin pa ng lider ng Kamara na patuloy na mag-iisip ang gobyerno ng mga paraan upang palawakin ang mga serbisyong pangkalusugan at gawing mas abot-kaya at mas madaling ma-access ang pangangalagang medikal para sa lahat.

“As we celebrate the President’s birthday, let us also celebrate his leadership and his deep care for the Filipino people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.