Calendar
๐ญ๐ฑ% ๐ฑ๐ถ๐๐ฐ๐ผ๐๐ป๐ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ช๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐๐ฎ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ข๐จ
๐ก๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ข๐ก ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐๐ป๐ฑ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ข๐๐ช ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐๐๐ฃ๐) ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฑ๐๐บ ๐ผ๐ณ ๐จ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด (๐ ๐ข๐จ) ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ข๐๐ช๐) ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ “๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ” ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐๐ผ๐ป.
Pinangunahan ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang paglagda sa nasabing MOU upang mapagkalooban ng ekslusibong 15% discount ang mga OFWs o migrant workers sa Duty Free Philippines Corp kabilang na dito ang kanilang pamilya.
Ayon kay Magsino, kinakailangan munang magpa-miyembro ng OFW Party List Group ang mga migrant workers (OFWs) bago nila ma-avail o mapakinabangan ang ipagkakaloob na P15% discount ng DFPC.
Paliwanag ni Magsino, ang 15% discount ay nakalaan para sa lahat ng “regular items” sakaling maisipan aniya ng mga OFWs at kanilang pamilya na mamili sa DFPC sa Fiesta Mall, Paraรฑaque City.
Dagdag pa ng kongresista, ang 15% discount ay “applicable” sa loob ng labing-limang araw (15) matapos silang dumating sa Pilipinas mula sa bansang pinagta-trabahuhan nila.
Sinabi din ni Magsino na magkakaroon din ng extension ang nasabing diskuwento ng 30 sakaling dumating sa Pilipinas ang isang OFW sa buwan ng Nobyembre 15 hanggang Enero 15.
Pagdidiin ni Magsino, ang ipagkakaloob na 15% discount ay ekslusibo lamang para sa mga OFWs na nagpa-miyembro sa OFW Party List Group alinsunod sa nilalaman ng nilagdaan nilang MOU.
Ipinabatid pa ng OFW Party List Lady solon na ang layunin ng inilunsad nilang programa para sa mga OFWs ay para matulungan din ang pamahalaan sa pangangalap ng revenues sapagkat sa halip na sa abroad mamili ng pasalubong ang mga OFWs ay dito na lamang sila mamimili sa Pilipinas.
“Yung mga pasalubong ninyo sa pagbalik niyo sa Pilipinas. Dito niyo na lang bilhin sa Pilipinas para matulungan din natin ang ating pamahalaan. Kasi kung duon kayo sa abroad mamimili bukod sa sila na ang yumayaman, ang mamahal pa. Sa panahon ngayon dapat wais na tayo sa paggastos,” wika ni Magsino.
To God Be the Glory