Bingo

‘₱1K-FOR-₱2M’ LINKED BINGO IBABALIK NG PAGCOR

453 Views

Magbabalik na sa Marso 29 ang paboritong linked bingo event ng bayan na may kabuuang ₱2.9 milyong tax-free prizes, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR),

Pangungunahan ng Casino Filipino Angeles ang ₱1K-for-₱2M Nationwide Linked Bingo Games at lalaruin sa mga sangay ng Casino Filipino sa Bacolod, Cebu, Fuente, Grand Regal, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Olongapo at Tagaytay — kaya naman sabay-sabay ang laro mula Luzon hanggang Mindanao.

Sa halagang ₱1,000 kada ticket, makakakuha ang bawat kalahok ng apat na bingo cards, na puwedeng gamitin sa 10 laro.

May ₱100,000 premyo ang bawat isa sa unang siyam na laro. Sa ika-10 at huling round ay nakataya ang guaranteed ₱2 milyong “must-go” jackpot.

Ang linked bingo series ay bahagi ng programa ng PAGCOR na maghatid ng kapanapanabik ngunit responsableng gaming experience at mailapit ang bingo sa mas maraming Pilipino.

Para sa detalye, tumawag sa 0906-574-1935, 0927-804-0304 o 0917-843-0970. Maaari ring bisitahin ang www.casinofilipino.ph o i-follow ang official Casino Filipino Facebook page.