Calendar
πππ ππππππππ ππ ππππππππ πππππππ ππ πππππππππ ππ ππππππππ; ππππππππππ ππ πππππππ, πππππππ ππ πππ πππππ
NAGLABAS ng Subpoena ang Land Transportation Office (LTO) na nag-aatas sa driver ng isang Honda Hatchback na nasangkot sa road rage incident sa isang bicycle rider nitong October 29, 2025, sa Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City.
Batay sa subpoena, kailangang humarap ang driver ng kotse, sa LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) sa November 5, 2025, sa LETAS Building, LTO East Avenue, Quezon City.
Layunin ng pagharap na ito ay para sa isang pagdinig upang linawin ang mga detalye tungkol sa nasabing insidente.
Kinakailangan ng pinatawag na dalhin ang kanyang driverβs license at lahat ng iba pang importanteng dokumento na may kinalaman sa sasakyan. Bukod pa rito, kailangang ipakita rin ang sasakyan na sangkot sa insidente para masuri at beripikahin.
“Nakatuon ang LTO sa pagtataguyod ng kaligtasan sa daan para sa lahat ng Pilipino.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mas ligtas na mga daan at responsableng pagmamaneho, sineseryoso namin ang insidenteng ito. Magsasagawa kami ng masusi at walang kinikilingang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan at ipatupad ang buong puwersa ng batas sa mga mapapatunayang responsable,” pahayag ni LTO Chief,
Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

