Misis

BEBOT PINAHABOL SA UNDAS NG BF

220 Views

HUMABOL sa undas ang isang babae matapos patayin sa saksak ng kanyang live-in partner sa araw mismo ng Undas sa Quezon City.

Isang tama ng saksak sa dibdib ang kumitil sa buhay ng 39-anyos na biktima na idineklarang dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

Sugatan din ang 58-anyos na suspek na live-in partner ng biktima na nagtamo din ng saksak at hiwa sa katawan.

Batay sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nangyari ang insidente bandang alas -11 ng gabi noong Sabado sa harap ng bahay ng biktima at suspek sa may Quirino Highway ng nabanggit na lungsod.

Bago ang insidente, sinabi ng saksing si alyas “Amy” na nagising siya sa ingay ng suspek habang binabato ng silya na monobloc ang bahay.

Bumaba siya ng bahay upang tingnan ang insidente hanggang sa makitang sinaksak ng suspek ang biktima sa dibdib.

Bagaman may saksak, inagaw ng biktima ang jungle bolo sa suspek at sinaksak ang huli.

Naawat naman ng isa pang saksi ang magka-live in at dinala sa ospital ang biktima.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa likod ng insidente.