Calendar

1 patay, 5 sugatan sa karambola sa Calamba
PATAY ang driver ng delivery truck at kritikal ang dalawang pahinante at tatlong babae sa karambola ng walong sasakyan noong Linggo sa Brgy. Real at Brgy. Uno sa Calamba, Laguna.
Nasawi si Jowel Balanac, 40, at sugatan naman ang dalawang helper na sina Ronel Rato Quinto, 42, at Ryanel Buela.
Ang mga sugatan kinilalang sina Lea Wang Panao, 37; Ellen Alterado Cai, 43; at Marie Grace Entera Castanos, 48.
Base sa imbestigasyon, tumatakbo ang Isuzu Dropside (TCS- 721) na kargado ng saku-sakong kopra na minamaneho ng namatay na si Balanac ng biglang mawalan ng preno kaya nagkarambola ang walong sasakyan.
Kabilang sa mga sasakyang napinsala ang Fuso wing van (NEO-1419) Isuzu Jeepney (DX-8446), Mitsubishi Adventure (NAS-5087), Toyota Vios (DAPP-3726), Yamaha Sniper (898-DCC), Toyota Innova (PIM-870) at Ford Territory (NFF-4084).