Calendar
1 patay, 50 pamilya naabo bahay sa sunog sa Caloocan
PATAY ang 39-anyos na lalaki ng balikan ang naiwang pera sa nasusunog nilang bahay noong Linggo sa Caloocan City na dahilan ng pagkakaabo ng may 200 bahay na tinitirhan ng may 50 pamilya.
Ayon sa report, sinigawan pa ng kapatid ng biktima na si Christopher Neri na huwag ng balikan ang naiwang pera pero posibleng hindi narinig dahil mahina ang pandinig ng nasawi.
Nagsimula ang sunog dakong alas-3:15 ng madaling araw sa 3-storey residential apartment sa Brgy. 118, 4th Avenue na umabot sa ikalawang alarma bago naapula makaraan ang dalawang oras.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga arson investigators ng Caloocan Bureau of Fire Protection upang alamin ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na tumupok sa tinatayang P200,000 halaga ng mga ari-arian at pagkawala ng 20 bahay ng may 50 pamilya.