Kotse Source: PNP file photo

1 sa 2 Basag Kotse suspek nasakote

Edd Reyes Sep 3, 2026
13 Views

TIMBOG ang isa sa dalawang miyembro ng Basag-Kotse gang nang mahuli sa akto ng security guard noong Miyerkules sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City na binabasag ang salamin sa likurang bahagi ng nakaparadang pick-up truck.

Kinuha ang isang designer bag at sunglasses sa pick up ng suspek.

Kumilos ang guwardiya at inaresto ang 20-anyos na kawatan habang nakatakas ang 24-anyos niyang kasabwat.

Nabawi sa suspek ang bag na nagkakahalaga ng P80,000, sunglasses na P15,000 ang halaga, habang kinumpiska naman ng mga nagrespondeng pulis ang cellular phone, screw driver at scooter na gamit nila.

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer‑in‑Charge P/BGen. Christopher Abrahano ang mga security personnel ng mall at ang pagresonde ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco.