Wanted

Wanted sa pagtutulak, bigong pag-utas nasukol sa Las Pinas

Edd Reyes Sep 3, 2026
9 Views

NASUKOL ng mga pulis ang 38-anyos na nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga at frustrated homicide sa Cavite sa bahay niya noong Huwebes sa Las Piñas City.

Alas-7:00 ng umaga nang dakpin ng mga tauhan ni Las Piñas police chief P/Col. Fermin Armendarez III si alyas Kurimaw sa Brgy. Pulang Lupa 1 sa bisa ng dalawang warrant of arrest.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nakakuha ng warrant of arrest sa Naic at Bacoor laban sa suspek kaya naaresto ang subject.

Kabilang sa kasong tinakasan ni alyas Kurimaw ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act at frustrated homicide.

May inirekomendang piyansa na P24,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nakapiit sa station custodial facility ng Las Piñas police ang akusado.