Parak-QC kilala na suspek sa pag-snatch ng kwintas

33 Views

KILALA na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa viral na pang-aagaw ng P200,000 na kwintas sa Brgy. E. Rodriguez Sr., Quezon City.

Ang suspek, si alyas Jhay, nabuking sa pagbusisi sa mga CCTV footage at beripikasyon sa mga saksi ng Cubao Police Station 7.

Rumesponde ang mga pulis matapos matanggap dakong alas-10:58 ng gabi noong Agosto 31 ang FB post tungkol sa insidente.

Itinuro ng isang saksi si alyas Jhay sa tulong ng rogue’s gallery.

Patuloy din ang follow-up operation para maaresto ang suspek habang kinukuha pa ng mga awtoridad ang iba pang CCTV footage sa lugar.