Calendar
1 sa kambal todas, 3 sugatan sa banggaan ng motor
DEDO ang isa sa kambal na sakay ng motorsiklo ng salpukin ang kasalubong na motorsiklo noong Biyernes sa Rodriguez, Rizal.
Idineklarang patay sa ospital si alyas Raymon na nagmamaneho ng Honda Beat sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan at nakaratay pa sa ospital ang kakambal niyang si alyas Ryan.
Nasugatan din ang mga nakabanggaan nilang sakay ng Yamaha NMAX na si alyas Ayman, ang driver, at kaangkas na si Gabriel.
Sa imbestigasyon ng Rodriguez police, tinatahak ng kambal ang Mayon Avenue sa Brgy. San Jose dakong alas-3:30 ng hapon, nang masagi nila ang sinusundang tricycle na minamaneho ni alyas Aldin.
Bunga nito, nawalan ng kontrol sa manibela si alyas Raymon kaya’t lumihis sila sa kabilang linya at nakabanggaan ang kasalubong na motorsiklo na patungo ng Payatas Road-Crossing sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.
