Calendar
Lider ng CTG naaresto sa bus sa Pasay
NASAKOTE ng mga pulis ang mataas na lider ng Communist Terrorist Group (CTG) na akusado ng tangkang pagpatay sa Northern Samar habang pasakay ng bus noong Biyernes sa Pasay City.
Nasa loob na ng bus si alyas Belho o Yani, 29, ng dakpin ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/Col. Glenn Oliver Cinco.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest galing kay Laoang, Northern Samar Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ricardo Estavillo Amos ng Branch 22 para sa kasong attempted murder.
Ayon kay P/Lt. Col. Antonio Ananayo Jr., nasa talaan ng mga miyembro ng Sub-Regional Unit (SRGU) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ang akusado na sangkot sa taktikal na opensiba, kabilang ang ginawa nilang pananambang sa tropa ng militar noong 2018 sa Las Navas, Northern Samar.
Naging bahagi din ang akusado sa Special Partisan Unit (SPARU) na nauugnay sa ilang pagpatay ng mga tauhan ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa Northern Samar.
