Calendar

10 sako ng shabu lumutang sa dagat
NATAGPUAN ng mga mangingisda sa Bataan ang 10 sako ng shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1.5 bilyon na lumulutang sa dagat sakop ng West Bajo de Masinloc sa Zambales.
Naglalaman ng humigit-kumulang sa 222 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.509 bilyon ang mga sako na itinurn-over sa PDEA Bataan.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, sinabi ni Bataan police acting director Col. Marites Salvadora na namataan nila Dennis Sumayo, 49, at mga tripulante niya noong Mayo 29 ang ilang sako na lumulutang sa karagatan.
Sa paniniwalang mga food packs ang mga lumulutang, tinipon ng mga mangingisda ang 10 sako pero nagulat sila ng malaman na shabu ang laman ng mga sako
Agad nilang iniulat ang mga ito sa PCG Mariveles na siyang nakipag-ugnayan sa Mariveles police, Bataan police at PDEA Bataan Provincial Office.