DHSUD

10k pamilya makikinabang sa pabahay program ng Marcos admin sa Marikina

208 Views

AABOT sa 10,000 minimum wage earners at city government employee ang makikinabang sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng administrasyong Marcos sa Marikina City.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspeksyon sa Bagong Sibol housing project, ang ikalawang housing project ng kasalukuyang administrasyon sa National Capital Region (NCR).

Ang unang housing project ng administrasyon ay itatayo sa Harmony Hills Terraces sa Quezon City,

Target ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na makapagtayo ng 1 milyong housing unit kada taon sa loob ng anim na taon upang mabawasan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa.