Drugs

Norwegian arestado sa P56M shabu

151 Views

ARESTADO ang isang Norwegian na nagtangka umanong magpuslit ng 8.34 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P56 milyon.

Dumating umano ang Norwegian sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay Biyernes ng umaga. Galing umano ang suspek sa Dubai at pasahero ng Emirates Airlines flight EK334.

Pagdaan ng maleta nito sa x-ray screening ay napansin umano ang ipinagbabawal na gamot. Idinaan sa K9 sweeping ang bagahe at ng muling magpositibo ay nagsagawa na ng physical examination.