4 bugaw huli sa QC

168 Views

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na babae na nagbubugaw umano ng mga kababaihan.

Kinilala ni PLTCOL Rolando Lorenzo Jr., hepe ng DSOU, ang mga suspek na sina Mon Diane Taguba, 43-anyos; Joan Lucban, 37-taong gulang; Jennifer Tuico, 42-anyos; at Jocelyn Ilas, 41.

Isang entrapment operation umano ang inilatag ng pulisya laban sa mga suspek matapos na makatanggap ng impormasyon kaugnay ng kanilang pambubugaw sa Brgy. San Martin De Porres, Quezon City at naaresto ang mga ito ala-1:30 ng umaga noong Oktobre 28.

Naniningil umano ng P1,000 ang mga suspek kada babae.

Nailigtas naman ng otoridad ang apat na babae na ibinebenta umano ng mga suspek.