P92.24M shabu naharang sa NAIA

150 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang pagpasok ng 13.5 kilo ng shabu na itinago sa false compartment ng maleta.

Naaresto naman ang may dala ng maleta na isang 40-anyso na babae na dumating sa bansa alas-11 ng gabi noong Biyernes sakay ng flight EK 334 na nagmula sa Johannesburg, South Africa.

Nagkakahalaga umano ang nakumpiskang ipinagbabawal na gamot ng P92.2 milyon.