BOC

Koleksyon ng BOC noong Oktobre lagpas sa target

110 Views

LUMAGPAS ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) sa target nitong kitain noong Oktobre.

Nakakolekta ang ahensya ng P75.5 bilyon lagpas ng 18.6 porsyento sa target nitong P63.7 bilyon.

Mas mataas din ito sa P56 bilyong kinita ng ahensya noong Oktobre 2021.

Mula Enero hanggang Oktobre ngayong taon nakakakolekta na ang BOC ng P714.3 bilyon lagpas sa P602.8 bilyong target nitong kitain. Sa kaparehong panahon noong 2021 ay kumita ang BOC ng P525.4 bilyon.