11k guro kinuha ng DepEd ngayong 2022

177 Views

UMABOT sa 11,580 guro ang nakapasok sa Department of Education (DepEd) ngayong 2022.

Bukod dito ay kumuha rin ang DepEd ng 5,000 administrative officer upang mabawasan ang ginagawang administrative work ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Batay sa datos ng DepEd, 15,331 guro at school leader ang nabigyan ng graduate scholarship samantalang 17,636 ang sumailalim sa pagsasanay para sa early-grade language literacy.

Mayroon namang 161,700 guro na nakatapos ng subsidized teaching course sa National Educators Academy of the Philippines (NEAP) 31,700 guro ang sumailalim sa Teacher Induction Program.

Nauna ng kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan na masuportahan ang mga guro upang tumaas ang antas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

“Our children must be equipped with the best that we can possibly provide. We cannot scrimp on the amount. Lahat ng maaari nating ibigay sa kanila, ibibigay natin sa kanila so that they get the best quality of education that we can afford without being wasteful,” ani Marcos.

Itinulak din ni Marcos ang pagpapaganda ng science, technology, engineering and mathematics (STEM) course.