Calendar
1,454 kaso ng HIV naitala noong Enero
NALAPAGTALA ng 1,454 kaso ng HIV noong Enero ang Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH mayroon namang 39 na nasawi dahil sa HIV infection sa unang buwan ng 2023.
Nananatiling sexual contact ang pangunahing dahilan ng pagkahawa na naitala sa 1,431. Anim naman ang nahawa dahil naipasa ito ng ina sa kanilang sanggol at tatlo ang dahil sa paggamit ng kontaminadong karayom.
Ang 14 na iba pa ay hindi kumpirmado kung ano papaano nahawa.
Sa National Capital Region naitala ang pinakamaraming bagong kaso (397), sumunod ang Calabarzon (233), Central Luzon (194), Central Visayas (94), at Western Visayas (91).
Sa bilang ng kabuuang naitala, 86 ang may edad 19-taong gulang pababa. Sa 86, 79 ang edad 10 hanggang 19-anyos at pito ang wala pang 10 taong gulang.
Mula noong 1984, nakapagtala na ang bansa ng 110,736 kaso ng HIV.