Martin2

167 kongresista sumama kay Speaker Romualdez upang mamigay ng ayuda sa Davao del Norte

106 Views

HIGIT 100 mga kongresista ang sumama kay House Speaker Martin Romualdez sa Tagum City, Davao del Norte para mamigay ng ayuda tulad ng bigas, cash, at scholarship.

Higit kalahati ng 308 na mga congressman o 167 na mambabatas ang nagtungo sa davao.

“Break po ng Congress ngayon pero mas pinili ng mga kasamahan ko na sumama sa atin para marinig ang pangangailangan ng mga taga-Davao. It will be easier kasi kung maraming mambabatas ang nakakaalam sa pangangailangan ng isang lugar para mabilis maaprubahan ang budget nito,” ani Speaker Romualdez.

Bukod sa cash at rice distribution namahagi rin si Speaker Romualdez, sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ng mga scholarship at puhunan pang-negosyo.

Libo-libong Dabawenyo ang nakinabang sa programang ito ng Marcos Administration.

Laking pasasalamat naman ni Acting Davao del Norte Gov. De Carlo Uy kay Speaker Romualdez dahil sa hatid na government service at tulong.

“First time po ito na madalaw tayo dito sa Davao del Norte ng napakaraming mambabatas para magbigay ng tulong at mapakinggan na rin ang kailangan ng mga kababayan namin. Salamat Speaker Romualdez,” ayon kay Gov. Uy.