Myanmar Ang 176 na Filipino na biktima ng human ttafficking sa Myanmar na nakauwi na sa Pilipinas.

176 Pinoy na nabiktima ng human trafficking nasa PH na

Chona Yu Mar 26, 2025
22 Views

AABOT sa 176 na Filipino na biktima ng human trafficking scam sa Myawaddy, Myanmar ang nakauwi na sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naiuwi ang mga Filipino sa pamamagitan ng special flight mula Bangkok, Thailand.

Dumating ang mga Filipino workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 26 ng 5:40 ng umaga.

Una nang dumating sa bansa ang 30 pang Filipino na biktima ng illegal scam centers mula Myanmar.

Naging matagumpay ang repatriation ng mga Filipino dahil sa pagsusumikap ni DFA Migration Affairs Undersecretary Eduardo José de Vega.

Isang linggong pabalik balik na ibiniyahe ang mga Filipino mula Myanmar patungo ng Thailand bago naiuwi sa PIlipinas.

Apela ng DFA sa mga Filipino, dumaan sa tamang deployment procedure sa mga tanggapan ng pamahalaan para hindi mabiktima ng illegal na aktibidad sa ibang bansa.