MWP Hindi na nakapalag ang 18-anyos na suspek na may kasong qualified statutory rape matapos makorner ng mga operatiba MPD Station 2 sa Ilalim ni PLt. Col. Gilbert Cruz sa Tondo, Maynila.

18-anyos na MWP dahil sa rape arestado sa Tondo

Jon-jon Reyes Oct 20, 2026
77 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Moriones Police Station 2 ang Top 1 most wanted person na isang 18-anyos na binata dahil sa kasong qualified statutory rape sa Narcisa Rizal St., Brgy. 250, Tondo, Maynila. noong Lunes.

Nakilala ang akusado na si alyas Boboy na naninirahan sa nabangit na lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, hepe ng MPD Moriones police station 2, bandang alas-10:03 ng umaga ng inaresto nina PMaj. Genesis Aliling ang nasabing akusado batay sa Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Maria Lorenza Siosana, Presiding Judge ng RTC Branch 38 ng Maynila.

Ang pag-aresto ay kaugnay ng krimen na qualified statutory rape (Art. 266-A(1) kaugnay ng Art. 266-B(1) ng RA 8353 at RA 11648) sa ilalim ng Criminal Case No. R-MNL-26-06256-CR na may petsang ika-16 ng Oktubre 2026.

Ang nasasakdal ay kasalukuyang nakakulong sa MPD PS-2 Custodial Facility habang hinihintay ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa hukumang naglabas nito.