Tsino

187 Tsino na sangkot sa illegal gaming ops dineport ng BI

Jun I Legaspi Dec 6, 2024
45 Views

UMAABOT sa 187 Chinese nationals na sangkot sa mga illegal online gaming operations ang ipinadeport ng Bureau of Immigration.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga deportee ay sumakay ng Philippine Airlines flight papuntang Shanghai, China, noong Disyembre 5.

Ang flight ay umalis ng tanghali mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

“These individuals were found to have violated Philippine laws and immigration regulations. Their deportation serves as a clear message that illegal activities by foreign nationals will not be tolerated,” saad ni Viado.

Noong una, nakatakdang i-deport ng BI ang 190 Chinese nationals, ngunit 187 lamang ang sumakay dahil ang isa ay may hold departure order at dalawa ang may iba pang nakabinbing kaso sa Pilipinas.

Ang mga dayuhan ay kabilang sa mga nahuli sa isinagawang operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City at Cebu.

“This successful deportation highlights our strong stance against illegal activities of foreign nationals in the country,” diin ni Viado.

“We remain steadfast in our mission to ensure that foreign nationals abide by the terms of their stay and that our immigration laws are strictly enforced,” dagdag niya.

Iniulat na natuklasan ng mga awtoridad ang kanilang pagkakasangkot sa hindi awtorisadong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Kinumpirma rin ng BI na ang mga deportee ay idinagdag sa immigration blacklist ng ahensya.

Nangangahulugan ito na tuluyan na silang pagbabawalan na muling pagpasok sa Pilipinas.

Muling iginiit ni Viado na ang BI ay mananatiling mapagbantay at nakatuon sa pakikipagtulungan nang malapit sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang itaguyod ang mga patakaran sa imigrasyon ng bansa at protektahan ang pambansang seguridad.