Calendar

2 bagets tiklo sa holdap ng 2 bebot sa Intramuros
DIRETSO sa selda ang dalawang suspek na holdaper sa Intramuros, Manila na naaresto ng mga pulis-Maynila noong Huwebes.
Nakilala ang dalawang suspek na sina alyas Harvy, 19; at isang 17-anyos na binatilyo.
Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang alas-8:05 ng gabi ng damputin nina Police Corporal Mar Bien Ymas, Patrolman Markie Cultura, Patrolman Leonardo Angelo Moises, at Patrolman Joel Saoy ang mga suspek.
Dinampot ang dalawa matapos na humingi ng tulong ang mga biktima na sina Princess, 17; at Hanna May na hinoldap ng dalawang suspek.
Base sa report, may kausap sa nabanggit na lugar ang mga biktima ng lapitan ng dalawang suspek.
Tinanong ng suspek kung: “May hinihintay ba kayo” at sumagot naman ang dalagita ng “Meron.”
Doon na tinutukan ng baril at patalim ng isa sa mga suspek ang mga biktima at nagdeklara ng holdap.
Nakatakbo papalayo sa suspek ang mga biktima at nagsumbong sa mga pulis kaya naaresto ang mga suspek.
Samanatala, naholdap din ang 14-anyos na dalagita sa nabangit lugar kaya dakong alas-4:00 ng umaga pero nahuli ng mga operatiba ng MPD Station 13 ang suspek.
Nahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa bilang 6, RA 10591 (Comprehensive Firearm Laws and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code).