Calendar
Si Col. Mar Ravelo, hepe ng Mariveles police, nang kapanayamin ng media sa loob ng kanyang opisina.
CHRISTIAN SUPNAD
2 bangkay lumutang sa karagatan ng Bataan-Cavite
BATAAN– Nag-utos nitong Martes ng umaga si Lt. Col. Mar Joseph Ravelo na lalong paigtingin ang seguridad sa bayan ng Mariveles matapos may natagpuang dalawang bangkay na lulutang-lutang sa karagatan ng Cavite at Mariveles.
Agad na nag-utos si Col. Ravelo sa kanyang mga pulis na magsagawa na patrolya sa karagatan ng Mariveles upang maprotektahan ang karagatan at di gagawing tapunan ng mga bangkay.
Ang hakbang ni Col. Ravelo ay kasunod ng nakitang bangkay sa karagatan sa boundary ng Cavite at Mariveles at isa pa sa karagatan ng Barangay Sisiman sa bayang ito.
Sinabi ni Col. Ravelo na walang sugat ang mga bangkay o tama ng bala o saksak at malamang ay itinapon lang doon.
Ayon pa kay Col. Ravelo, tinitingnan nila ang away sa droga na malamang dahilan ng i nsidente.
Dagdag niya na ang Mariveles na site ng Freeport Area kung saan ay maraming kompanya ang nakatayo ay isa sa mga pinakatahimik na lugar sa Bataan.

