Calendar
ECIJA TOP COP BINIGYAN PUGAY, GINAWARAN NG “MEDALYA NG PAGKILALA”
CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City – Binigyang-parangal si Nueva Ecija top cop Col. Ritchie R. Claravall ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jess B. Mendez sa isang seremonya na ginanap sa Camp Olivas, Pampanga nitong Lunes, Setyembre 14.
Ginawaran si Claravall ng “Medalya ng Pagkilala” bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon, komitment at huwarang pagganap bilang provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Naupo bilang acting NEPPO chief si Claravall noong Marso 10, 2026 at tinanggap niya ang nasabing pagkilala sa loob ng anim na buwan at apat na araw sa puwesto.
Ayon kay Brig. Gen. Mendez, iginawad ang pagkilala kay Claravall dahil sa kanyang matatag na pamumuno sa NEPPO at pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pagpapalakas ng kaligtasan ng publiko, pagpapahusay ng mga operasyon ng pulisya, at pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad.
Ang “Medalya ng Pagkilala” ay nagsisilbing patunay sa dedikasyon ni PCOL CLARAVALL sa kahusayan at sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa patuloy na pagsisikap ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa Nueva Ecija, dagdag ni Mendez.

