Rape

Lalaking may asawa inaresto sa acts of lasciviousness, qualified rape

113 Views

Rape1Rape2

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Inaresto noong Lunes ng mga awtoridad ang No. 4 Regional Most Wanted Person sa Bgy. Bilogo, Batangas City, ayon kay Provincial Director PCol. Oliver B. Ebora.

Si alias Celso, 60, may asawa, residente ng Brgy. Bilogo, Batangas City, ay inaresto ng Batangas Component City Police Station batay sa Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City, na may petsang September 14, 2026.

Ang pag-aresto sa suspek ay kaugnay ng kasong limang bilang ng acts of lasciviousness at pitong bilang ng qualified rape.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P180,000 para sa limang bilang ng acts of lasciviousness, habang walang inirekomendang piyansa para sa pitong bilang ng qualified rape.

Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal.

Ang pag-aresto ay maayos na naitala ng mga otoridad gamit ang body-worn cameras.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station para sa nararapat na disposisyon.