SOCO

2 bangkay ng lalaki bumulaga sa Rizal, Cavite

Edd Reyes Oct 13, 2025
354 Views

DALAWANG bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan noong Linggo sa Rizal at Cavite.

Unang nadiskubre ng tricycle driver sa Rolling Hills, Gloria Vista, Brgy. San Rafael Rodriguez, Rizal dakong alas-5:00 ng umaga ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na tinatayang 40-45 anyos ang edad.

Dakong alas-11:45 ng tanghali natagpuan naman ang bangkay ng lalaki sa gilid ng bangin sa Lamesang Bato malapit sa tanggapan ng DENR sa Ternate-Nasugbo Road, Brgy. Sapang 1.

Tinatayang may taas na 6 feet ang biktima na nakasuot ng puting t-shirt, itim na short at naka-posas ang mga kamay sa likod habang balot ng itim na garbage bag ang ulo.

Inaalam pa ng Police Regional Office (PRO)-4A kung magkaugnay ang pagpatay sa dalawang bangkay.