DOT

2 contractual employee ng DOT na responsable sa uploading ng Love the Philippines sinuspinde na

Mar Rodriguez Aug 17, 2023
254 Views

DOTSA ginanap na budget deliberation para sa proposed national budget ng Department of Tourism sa susunod na taon inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco na sinuspinde na nila ang dalawang “contractual employees” ng ahensiya na responsable sa nangyaring uploading ng kontrobersiyal na “Love the Philippines” promotional video-ad ng DOT.

Ikinagalak ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pahayag ni Frasco matapos itong humarap sa Komite para depensahan ang 2024 proposed national budget ng DOT na nagkakahalaga ng P2.9 billion.

Inihayag din ni Frasco na sinuspinde na rin ng Tourism Department ang isa pang kontrata nila sa DDB Philippines Ad Agency na gumawa ng “Love the Philippines” promotional video. Matapos ang ginawang pagtatanong ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino.

Sa budget deliberations ng Committee on Tourism, inusisa ni Magsino sa DOT ang isa pang kontrata na pinasok nito sa DDB Philippines na nagkakahalaga umano ng P124.45 million. Bukod pa aniya dito ang kontrata para sa “tourism video” ng kontrobersiyal na “Love the Philippines”.

Ayon kay Magsino, ang tinutukoy nito ay ang kontrata na ibinigay in-award sa DDB Philippines para sa kanilang counselling services para naman sa promotional ng Philippines Islands, award winning destinations at tourism products na sinasabing magtatapos ngayong August 31, 2023.

Gayunman, ipinaliwanag ni Magsino na tinapos na nila o na-terminate na aniya ang kanilang kontrata sa DDB Philippines para sa kontrobersiyal na promotional video na magugunitang umani ng samu’t-saring batikos mula sa publiko.

Nagtungo naman sa tanggapan ni Madrona sa Kamara de Representantes ang Officer-in-Charge (OIC) Regional Director ng Department of Tourism (DOT) sa MIMAROPA na si Director Roberto Alabado III kabilang sina DOT-MIMAROPA Chief Tourism Division Gladys A. Quesea at DOT-MIMAROPA Officer na si Guillermo Villafane para mag-courtesy call.

Nabatid na nagkaroon din ng pagpupulong para pag-usapan ang ilang usapin kaugnay sa mga programa, proyekto at aktibidades ng Tourism Department sa buong MIMAROPA Region partikular na sa lalawigan ng Romblon.