Trabahador

2 daliri ng trabahador naging giniling sa peanut grinder machine

Edd Reyes Sep 4, 2026
11 Views

NAIPIT ang kanang kamay ng lalaking trabahador sa peanut grinder machine na nagresulta sa pagkadurog ng kanyang palasingsingan at hinlalato o ring at middle finger Huwebes ng umaga sa Taguig City.

Halos dalawang oras tumagal ang ginawang pag-rescue ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Taguig, City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at mga tauhan ng Barangay Calzada bago tuluyang mahugot ang kamay ng lalaki sa grinder machine.

Sa ulat ng BFP-NCR Taguig City, natanggap nila ang tawag sa Hotline 911 hinggil sa paghingi ng saklolo ng mga kawani ng isang bodega sa Samaca 2 Road, Brgy. Calzada kaugnay sa pagkakaipit ng kamay ng biktima habang nagdudurog ng mani sa grinder machine.

Alas-10:48 ng umaga nang simulan ang pag-rescue hanggang tuluyang mahugot ang kamay ng biktima alas-12:45 ng makapananghali.

Binigyan muna ng pangunahing lunas ng 443 Ambulance Emergency Medical Service ang lalaki bago siya dinala Health Care Facility para sa agarang atensiyong medikal.