Shabu Source: FB post

2 drug suspek arestado sa Cebu

Alfred Dalizon Aug 15, 2025
267 Views

ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas ang dalawang drug suspek sa Cebu City noong Miyerkules.

Ayon kay PDEA Director, General, Undersecretary Isagani R. Nerez, nakuha sa dalawa ang 13 pakete na naglalaman ng halos 70 gramo ng shabu at ang buy-bust money.

Kinilala sa mga alyas na Jemuel, 21; at Ramil, 20, ang mga nasakote sa Sitio Bugnay 2 sa Brgy. Labangon, Cebu City.

Isinagawa ng PDEA Region 7 ang operasyon sa tulong ng mga miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at Cebu City Police Station 10.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawang akusado sa PDEA lock-up facility sa Cebu City at nahaharap sa mga kasong pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.