Flight

2 FA-50 fighter jets ng PAF escort ng eruplano ni PBBM

149 Views

DALAWANG FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) ang nag-escort sa eruplano na sinakyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong Estados Unidos noong Linggo kung saan ito dumalo sa pagpupulong ng United Nations.

Sa litratong ipinost ng PAF makikita ang isang fighter jet nito habang naka-escort sa eruplano ng Philippine Airlines (PAL) kung saan nakasakay ang Pangulo habang nasa Polilio Island area.

“Fighter escorting, more than just a tradition, is an essential standard operating procedure to clear and secure our air space for the arrival and departure of the President of the Republic and other visiting heads of state,” sabi ng PAF.

Ayon kay PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo ito ang unang pagkakataon na mayroong nag-escort sa eruplano ng Pangulo. Hindi umano ito ginawa ng pumunta si Marcos sa Indonesia at Singapore.

Sinabi ni Castillo na ang mga eruplano ng PAF noon ay mayroong ibang misyon.