Abe

VP Sara dadalo sa state funeral ni dating Japan PM Shinzo Abe.

139 Views

DADALO si Vice President Sara Duterte sa state funeral ng pinaslang na si dating Japan Prime Minister Shinzo Abe sa susunod na linggo.

Inanunsyo ito ni Duterte matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong City noong Miyerkoles.

Ayon kay Duterte dadalhin nito ang condolence letter mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Inihayag ni Ambassador Koshikawa ang kanyang paunang pasasalamat sa aking nakatakdang pagbisita sa Japan sa susunod na linggo para sa state funeral ni yumaong Japanese Prime Minister Shinzo Abe,” sabi ni Duterte.

Binaril si Abe noong Hulyo 8 habang nagtatalumpati sa Nara region.