Kell

New Zealand Ambassador dumalaw kay VP Sara

249 Views

BUMISITA kay Vice President Sara Duterte si New Zealand Ambassador to the Philippines, His Excellency Peter Kell.

Pumunta si Keil sa Vice President Central Office kung saan nagkaroon ng pag-uusap para sa pagpapalakas ng relasyon ng New Zealand at Pilipinas.

“Sinabi niya sa akin na ang kanilang bansa ay malaki ang focus sa Mindanao sa layuning mas palakasin pa ang peace process, mga programa para sa kababaihan, agrikultura, renewable energy at capability building, learning and training opportunities para sa mga Pilipino,” sabi ni Duterte.

Ayon kay Duterte ibinahagi sa kanya ng Ambassador ang flagship program ng New Zealand sa Pilipinas—ang pagpapalawig ng digital governance space o ang “G2G for Development Initiative” na naka-pokus sa Ease of Doing Business at pagpapabilis ng serbisyo ng gobyerno na makatutulong sa bansa upang makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.