Vergeiri

2 kaso ng Omicron subvariant BA.5 naitala ng DOH

235 Views

NAKAPASOK na sa bansa ang Omicron subvariant na tinatawag na BA.5, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sang dalawang unang kaso ng naturang variant ay taga-Central Luzon.

Inaalam pa ng DOH kung papaano nahawa ang dalawa na parehong hindi lumabas ng bansa. Ang dalawa ay pumunta umano sa presinto para bumoto at nagtatrabaho sa National Capital Region.

Ang dalawa ay parehong fully vaccinated na laban sa COVID-19 at nakatanggap na ng booster shot.

Sila ay nakaranas ng sipon at ubo at ngayon ay magaling na.

Ang kanilang mga close contact ay natukoy na at sumailalim sa isolation. Sa dalawang close isa ang nagpositibo sa COVID-19.

Nauna rito, sinabi ng DOH na nakapasok na sa bansa ang Omicron subvariant na BA.2.12, BA.2.12.1, at BA.4 na mas nakakahawa umano kumpara sa orihinal na Omicron.