Galvez

Fully vaccinated na Pinoy aabot ng 70M sa pagtatapos ng termino ni PRRD

129 Views

KUMPIYANSA ang National Task Force Against COVID-19 (NTF) na maaabot ang target maging fully vaccinated ang 70 milyong Pilipino sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ang average four-week jab rate para sa first dose ay 321,083, at 242,606 naman sa second dose.

“So ‘yung atin pong best-case scenario na bago po tayo matapos ang ating administrasyon, ang nakikita po namin ang pinaka-honest-to-goodness na aming assessment sa individuals with at least one dose, 75 million po tayo; and then ‘yung fully vaccinated po ay 70,087,920,” sabi ni Galvez kay Duterte.

Hanggang noong Hunyo 6, 2022, umaabot na sa 74,221,490 Pilipino ang nakatanggap na ang first dose at 69,519,052 indibidwal naman ang fully vaccinated.

Noong Hunyo 5 ay 2,479 ang active COVID-19 cases sa bansa.