Calendar
2 kelot tiklo sa panghoholdap ng bebot sa Ermita
NASAKOTE ang dalawang pinaghihinalaang holdaper ng mga operatiba ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 sa Vasquez St., Brgy. 697, Ermita, Manila noong Sabado.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng Ermita Police station 5, nahuli sina alyas James, 23, at alyas John Israel, 24, bandang alas 5:15 ng umaga matapos holdapin ang biktimang si alyas Francislyn P. sa Burgos St., Ermita, Manila.
Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa nasabing lugar ng biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motor.
Tinutukan siya ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang Realme 10 Pro 5G mobile phone na nagkakahalaga ng P16,000.
Nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya at inireport ang panghoholdap sa kanya kaya hinabol ng mga pulis ang mga suspek at nahuli ang mga ito.
Narekober sa dalawa ang cal. 38 revolver na may 2 bala, isang 380 pistol, isang magazine na may 3 bala, itim na PCX motorcycle at dalawang helmet.
Napag alaman na ang dalawang suspek rin ang kumana sa Japanese na kinilalang si Yahata Toshiki noong Enero 18 sa harap ng NABI KTV Bar sa M.H. Del Pilar, Malate, Manila.
Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang dalawa kaugnay ng BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).