Landslide

2 natabunan ng lupa sa Antipolo, dedo

70 Views

DALAWA ang namatay nang matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa Daang Pari, Sitio Hinapao, Brgy. San Jose, Antipolo City noong Miyerkules.

Batay sa salaysay ng isang testigo, dakong alas-8:00 ng umaga habang malakas ang ulan dahil sa bagyong Enteng natutulog sa bahay ang mga biktimang sina Lee Bragado Libantino at Lester Bragado Libantino nang biglang gumuho ang lupa kaya nalibing ng buhay ang mga biktima.

Nadala ang mga biktima sa Rizal Provincial Hospital Annex II sa Brgy. Dalig ngunit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Kreisler William Chua.

Natabunan din ang mga katabing bahay ng mga biktima pero walang nasaktan dahil sa retrieval operation.