Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Overseas Filipino Workers
2 OFW sugatan sa pagguho ng gusali sa Qatar
Peoples Taliba Editor
Mar 26, 2023
266
Views
DALAWANG Overseas Filipino Worker (OFW) ang sugatan sa pagguho ng pitong palapag na gusali sa Doha, Qatar.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople nagtamo ng mga galos ang dalawa at pinalabas na ng Hamad General Hospital.
Sinabi ni Ople na tatlo pang OFW ang nakatira rin sa gumuhong gusali at masuwerte na nasa trabaho ang mga ito ng maganap ang pangyayari.
Tinutulungan na rin ng DMW ang mga Pilipino na nakatira sa kabilang gusali.
Pansamantalang tumutuloy ang mga ito sa Qatar Youth Hostel.
Inaalam pa ang sanhi ng pagguho ng gusali na nangyari sa Bin Durham neighborhood, Doha.
Ayon sa mga ulat, isa ang nasawi sa insidente.
OFW Hospital 3 taon na
May 2, 2025
Villar top priority proteksiyon ng OFWs
May 2, 2025